Ayon sa 4am weather update ng ahensya, Amihan pa rin ang weather system na umiiral sa buong bansa.
Sinabi ni weather specialist Ezra Bulquerin na malamig na panahon pa rin ang mararanasan ngayong araw.
Dahil sa Amihan, makararanas ng mauulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Caraga at Davao Region.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon at Mindanao at buong Visayas ay maganda ang panahon maliban na lamang sa mga pulo-pulong panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstoms.
Ngayong araw, mapanganib at ipinagbabawal pa rin ang paglalayag sa eastern seaboards ng Southern Luzon hanggang sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.