Kevin Belingon, dedepensahan ang ONE bantamweight title vs Bibiano Fernandes

Sa unang pagkakataon, nakatakdang depensahan ni Filipino mixed martial artist Kevin Belingon ang kaniyang ONE bantamweight championship belt kontra kay Bibiano Fernandes.

Inanunsiyo mismo ang napipintong laban ni ONE Championship CEO at chairman Chatri Siyodtong.

Ito na ang ikatlong paghaharap ng dalawang mixed martial artists.

Matatandaang naungusan ni Belingon si Fernandes sa kanilang rematch sa Singapore via split decision.

Gaganapin ang bakbakang Belingon-Fernandez 3 sa Tokyo, Japan sa March 31, 2019.

Read more...