Hernani, Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Phivolcs

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang bayan ng Hernani sa Eastern Samar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol bandang 2:24, Linggo ng hapon.

Tectonic ang origin ng lindol.

Ayon pa sa Phivolcs, nasa 44 kilometers ng Northeast ng Hernani ang epicenter ng lindol at may lalim na 11 kilometers.

Naramdaman ang intensity 3 sa Tacloban city pati na sa mga bayan ng Babatngon at Barugo sa Leyte.

Wala namang naiulat na aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

Wala ring naiulat na napinsala dahil sa lindol.

Read more...