Warriors, wagi vs Celtics sa iskor na 115-111

AP photo

Matapos matalo ang Los Angeles Lakers at Washington Wizards, sunod na tinalo naman ng Golden State Warriors (GSW) ang Boston Celtics sa iskor na 115-111.

Pinangunahan ang laro ni Kevin Durant na nakapagtala ng 33 points at nine rebounds.

Malaking tulong din ang puntos ng “Splash Brothers” na sina Stephen Curry na may 24 points at Klay Thompson na may 21 points.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, kailangang manatiling challenged ang mga manlalaro para magtuluy-tuloy ang panalo ng koponan.

Samantala, umabante sa Celtics sina Kyrie Irving na may iskor na 32 points at 10 assists habang si Al Horford naman ay mayroong 22 points at 13 rebounds.

Ito na ang ika-sampung sunod na panalo ng GSW sa NBA regular season.

Read more...