9 na bangkay, narekober matapos ang Brazil dam collapse

Hindi bababa sa siyam na bangkay ang narekober ng mga rescue worker makaraang mag-collapse ang dam sa isang minahan sa Brumadinho, Brazil noong Biyernes (January 25).

Nasa dalawang daang katao naman ang nasagip, ngunit humigit-kumulang tatlong daang indibidwal pa ang patuloy na nawawala.

Batay sa ulat, sinabi ni Avimar de Melo Barcelos na mayor ng Brumadinho, malungkot mang sabihin ay “minimal” o maliit na ang tsansa na makahanap pa sila ng survivors.

Inaasahan din aniyang tataas ang death toll, habang hanggang ngayon ay hindi pa batid ang sanhi ang pagkasira ng dam.

Karamihan sa mga nawawala ay mga empleyado o contractor ng mining firm na Vale.

Nauna nang nagtungo si Brazilian President Jair Bolsonaro sa disaster area.

 

Read more...