Tennis superstar Naomi Osaka, bagong World No. 1

 

Gumawa muli ng kasaysayan ang Japanese tennis superstar na si Naomi Osaka, matapos maging kauna-unahang Asian na World No. 1.

Sa Australian Open 2019 final, tinalo ni Osaka ang Czech tennis player na si Petra Kvitova.

Dahil dito, nakamit ng 21-anyos na si Osaka ang back-to-back Grand Slams at umangat bilang bagong World No. 1.

Matatandaan na nakuha ni Osaka ang kanyang unang Grand Slam sa kontrobersyal na U.S. Open final, laban sa 23-time champion na si Serena Williams.

Pero taliwas sa naging drama noon sa U.S. Open final, ang pagkapanalo ni Osaka sa Australian Open final ay walang gulo at walang kontrobersiya.

Si Osaka ay ipinanganak sa Japan, pero lumipat sa New York noong siya’y tatlong taong gulang, kasama ang kanyang Japanese mother at Haitian father.

Sa kasalukuyan ay Florida-based na si Osaka, ngunit kanyang nire-represent ang Japan sa kanyang mga laro.

 

 

Read more...