Dapat gibain na ng DM Consunji Inc. (DMCI) ang Torre de Manila.
Ito ang tahasang pahayag ni Quezon City Rep. Winston Castelo, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development.
Ayon sa mambabatas, dismayado siya sa naging tila desekrasyon ng naturang proyekto sa Dambana ni Rizal sa Luneta Park.
Dapat rin aniyang agad na irefund ng kumpanya ang perang ibinayad ng mga nagpa-reserve na ng unit sa Torre de Manila at kung hindi, kanilang ipapanawagan na ma-blacklist na ito sa pakikipagtransaksyon sa Gobyerno.
Samantala, tinawag ni Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe na isang “Pambansang Kahihiyan” ang kontrobersyal na DMCI Condominium na Torre de Manila.
Ayon kay Batocabe, bukod sa pagiging Pambansang ‘Photobomber’ ang Torre de Manika, isa rin itong ‘National Shame’ at ‘Dambuhalang Pangit.’
“Ang Rizal Monument, naging national kahihiyan na. Importanteng simbolo, pero bawat pagbisita, bawat pagpunta ng head of state, makikita ay dambuhalang panget. Walang puwang ang condo na yan,” pahayag ni Batocabe. – Isa Avendaño-Umali/Inquirer.net