Pagpatay sa Bacolod Police deputy chief, iniimbestigahan ng PRO-6

Contributed Photo by Radio dyEZ

Inutos ng Police Regional Office sa Western Visayas (PRO-6) ang malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa deputy chief ng Bacolod Police.

Kasabay ng imbestigasyon ay nakiramay si PRO-6 director Chief Supt. John Bulalacao sa pamilya ni SPO4 Oscar Exaltado, deputy station chief of Police Station 6 sa Bacolod City.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Exaltado papasok sa trabaho ng pagbabarilin ng riding in tandem sa Bgy. Singcang Airport.

Kinuha pa ng isang lalaki na nagsilbing look-out ang baril ni Exaltado.

Samantala, sinabi ni Chief Insp. Charles Gever, Police Station 8 commander na tinitingnan nila ang lahat ng anggulo sa krimen kabilang ang droga at personal na motibo.

Read more...