Momoland, gustong pumunta sa 3 lugar sa bansa

Inihayag ng Korean girl group na Momoland na nais nilang bisitahin ang 3 lugar sa Pilipinas.

Sa press conference para sa kanilang fan meet sa Manila, sinabi ng ilang miyembro ng Momoland na gusto nilang pumunta sa Boracay, Palawan at Cebu.

Halos magkakasabay na sinabi ng mga ito na ang naturang 3 lugar ang nais nilang bisitahin habang sila ay nasa bansa.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasa Pilipinas ang Momoland. Una noong August 2018.

Sabado ng gabi ang concert ng Kpop group sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang Momoland ang nagpasikat sa mga kantang Boom Boom at Baam.

 

Read more...