Pagasa, nagbabala ng pagbaha sa Camiguin, Misamis Oriental at Bukidnon

Nagbabala ang Pagasa ng posibleng pagbaha sa Camiguin, Misamis Oriental at Bukidnon ngayong Sabado.

Ayon sa Pagasa, ang mga ilog sa Camiguin ay apektado ng matinding pag-uulan sa lugar.

Nagbabala rin ang ahensya ng pagbaha sa Misamis Oriental partikular sa mga ilog ng Odiongan, Gingoog, Balatocan, Cabulig, Lower Tagaloan, Lower-Middle Western Cagayan, Iponon at Alubijid.

Pinayuhan din ng Pagasa ang mga nakatira malapit sa paanan ng bundok at mababang lugar na mag-ingat sa pagbaha.

Habang ang Local Risk Reduction and Management Councils ay inabisuhang magmonitor ng weather updates.

Read more...