Inasatan ni Interior Secretary Eduardo Año ang 178 local government units (LGUs) at 5,714 barangays na magsagawa ng lingguhang paglilinis alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2019-09 na inilabas noong January 24.
Sinabi ni Año na magiging mabilis ang Manila Bay clean-up kung magtutulungan ang mga LGU at barangay.
Iginiit ng kalihim na mamamayan din ang dapat sisihin sa polusyon at pagdumi ng Manila Bay pero pwede pa anya itong maisalba kung magtutulungan ang lahat.
Ayon kay Año, pwede ring magpatulong ang mga lokal na pamahalaan at barangay sa mga volunteers, non-government organizations, civil society organizations, academe para mahikayat ang partisipasyon ng iba’t ibang grupo sa paglilinis.
Sa ilalim ng Local Government Code, ang mga barangay ay obligadong magsagawa ng basic services kabilang ang paglilinis ng kapaligiran.