Umano’y bugaw ng kabataan sa dayuhang pedophile, arestado

Arestado ang hinihinalang bugaw na nagbebenta ng mga kabataan sa mga dayuhang pedophile sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Joselito Villanueva na naaresto ng mga tauhan ng Internet Crimes Against Children Unit of the PNP Women and Children Protection Center (WPC) sa isang hotel sa naturang lungsod makaraang magpanggap na kostumer ang isang operatiba.

Ayon kay WCPC head Chief Supt. William Macavinta, natunton nila si Villanueva makaraang humingi ng tulong ang German Federal Police kaugnay ng aktibidad nito kasunod ng pagkakaaresto sa isang pedophile.

Nakuha sa pedophile ang mga malalaswang larawan ng mga kabataan at natukoy ang bugaw bilang isang Filipino.

Ani Macavinta, ginagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng Facebook at kapag nagkasundo ay nagtutungo ang mga ito sa Pilipinas.

Pagdating sa bansa, ang nasabing bugaw ang nag-aayos para magkita ang dayuhang kostumer at ang mga bata

Read more...