Walang nakikitang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail end a cold front at northeast monsoon lamang ang weather systems na umiiral sa bansa.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon, bagaman apektado ng Amihan ay aasahan ang maaliwalas na panahon na may posibilidad ng mga mahihinang pulo-pulong pag-ulan.
Dahil naman sa epekto ng tail end of a cold front, mararanasan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa lalawigan ng Leyte, Northern Mindanao, Caraga Region at Davao Region.
Sa nalalabing bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay magiging maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng mga mahihinang pulo-pulong pag-ulan.
Samantala, may nakataas pa ring gale warning o pagbabawal sa pagpalaot sa mga baybaying dagat ng mga lalawigan ng:
- Batanes
- Babuyan Group of Islands
- Ilocos provinces
- Cagayan
- Isabela
- Aurora
- Camarines Provinces
- Catanduanes
- Eastern coasts ng mga lalawigan ng Albay Sorsogon at Quezon kasama ang Polilio Islands
- Northern Samar
- at Eastern Samar