Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi miyembro ng Catholic clergy ang isang ‘obispo’ na naaresto sa isang drug buy bust operation sa Bacoor, Cavite.
Sa kanilang official statement, sinabi ng CBCP na ang naarestong si Richard Alcantara ay hindi isang Katolikong Obispo at hindi rin pari ng Simbahang Katolika kaya’t mas malabong miyembro ito ng kapulungan.
“We have received inquiries regarding a certain Bishop Richard Alcantara who was arrested due to illegal drugs in a buy-bust operation in Bacoor City on Friday, January 25,” ayon sa CBCP.
“Richard Alcantara is neither a Catholic bishop nor a priest of the Roman Catholic Church and is certainly not a member of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)”.
Ang 38-anyos na si Alcantara ay naaresto kasama ang isa pang suspek sa Barangay Alima.
Kasama ang nagpakilalang pari sa drug watchlist ng Bacoor City police.
Depensa ni Alcantara, nagsasagawa lamang anya siya ng ‘research’ tungkol sa epekto ng iligal na droga.
Samantala, kinumpirma rin ni Cavite Provincial Police chief Senior Supt. William Segun na hindi miyembro ng Simbahang Katolika si Alcantara at ito’y pari ng ibang kongregasyon.