Ang satisfaction rating ng Senado ay tumaas ng isang grado patungong ‘very good’ o +58 mula sa +48 noong Setyembre.
Ito na ang pinakamataas na satisfaction rating ng Senado mula rin sa ‘very good’ na +67 noong August 2012.
Ang Mababang Kapulungan naman ay nanatili sa ‘good’ ngunit tumaas ng apat na puntos o +40 mula sa +36 noong third quarter.
Ito ang pinakamataas na rating ng Kamara mula noong Hunyo 2016 na +42 na nasa klasipikasyon ding good.
Mula sa +31 ay tumaas naman ng anim na puntos ang satisfaction rating ng Korte Suprema para maitala ang +37 o nasa gradong ‘good’.
Ang Gabinete naman ay nagtala ng +35 na satisfaction rating mula sa +32 noong Setyembre.
Ito ang pinakamataas para sa Gabinete simula sa +38 noong Disyembre 2017.
Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.