Autism Society PH, hinimok ang publiko na itigil ang “Boyet Challenge”

Mariing kinondena ng Autism Society Philippines o ASP ang social media experiment na tinatawag na “The Boyet Challenge.”

Sa naturang eksperimento, gagayahin ng mga participant si “Boyet” na karakter sa soap opera ng GMA-7 na “My Special Tatay.”

Pero ayon sa ASP, ang The Boyet Challenge ay isang uri ng pangungutya sa mga taong mayroong autism at intellectual disabilities.

Nagkataon din anila ang social media experiment sa paggunita sa National Autism Consciousness Week.

Paalala ng ASP, mayroong umiiral na Republic Act 9442 na pumuprotekta sa persons with disabilities o PWDs mula sa pangungutya at pang-aalipusta.

May parusa itong pagkakakulong at pagmumulta, kung mapatunayang lumabag sa batas,

Subalit kahit walang batas, iginiit ng ASP na hindi makatao na pagtawanan ang mga may kapansanan. Kaya huwag anila sanang gawing kutya o katatawanan ang pagkakaroon ng autism.

Read more...