ONE Flyweight title ni Pinoy fighter Geje Eustaquio, nasilat ng katunggaling si Adriano Moraes

Naagaw na kay Pinoy fighter na si Geje Eustaquio ang World Flyweight Champion matapos na talunin ng Brazilian na si Adriano Moraes sa ONE: Hero’s Ascent.

Ang Eustaquio-Moraes bout ay ang main fight na ginanap sa Mall of Asia Arena kagabi (January 25).

Wagi si Moraes kontra Eustaquio via unanimous decision.

Matatandaan na noong June 2018, natalo ni Eustaquio si Moraes.

Dahil naman sa pagkapanalo ni Moraes, siya ay itinuturing nang 3-time world champion.

Habang ang pagkatalo ni Eustaquio ay ikalawa na sa hanay ng Team Lakay sa loob lamang ng isang linggo.

Nauna nang nabigo si Joshua Pacio na mauwi ang Strawweight title sa naging laban nito sa Jakarta, Indonesia.

Umaasa naman ang Team Lakay na makakabawi sila at maipapanalo ni Eduard Folayang ang Lightweight title, kontra kay Shinya Aoki sa darating na Marso.

Read more...