Babae, pinagbabaril sa loob ng minanehong sasakyan sa QC

(Updated as of 1:40am) Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang minanehong sasakyan.

Naganap ang krimen sa bahagi ng Mindanao Avenue corner Tandang Sora sa Quezon City, Biyernes ng gabi (January 25).

Batay sa mga suot na ID ay kinilala ang biktima na si Consuelo Soliveres Go, 50 anyos, residente ng Caloocan.

Ang sasakyan ng biktima ay kulay orange at may plakang WOB-440.

Ayon kay Talipapa Police Station Commander PSupt. Alex de Jesus Alberto, dinikitan ng riding in tandem ang sasakyan ni Go habang binabagtas ang Mindanao Avenue.

Dito na siya walang awang pinagbabaril hanggang sa bawian ng buhay.

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

 

 

Read more...