Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagratipika ng Commission on Elections o Comelec sa BOL.
Kasabay nito, hinimok ni Robredo ang publiko na bantayan at suportahan ang patuloy na pagsulong ng naturang proseso dahil hindi pa nagtatapos ang laban para sa kapayapaan.
Aniya, kailangang siguraduhin ng pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor, na maging pundasyon ang BOL ratification sa pagpapalakas ng mga institusyong magdadala ng maunlad na ekonomiya at responsableng mga lokal na pamahalaan sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Dagdag ni Robredo, sa matagal na panahaon ay marahil marami ang nagsabing mananatiling pangarap lamang ang kapayapaan sa Mindanao. Pero pagkatapos aniya ng ilang taon ng pagsisikap at pakikipag-usap, sakripisyo at paniniwala ay sa wakas, ang pangarap na iyon at abot-kamay na rin.
Nananalig din ang bise presidente na kapayapaan ang magdadala sa bawat mamamayan ng Bangsamoro ng magandang buhay.
BASAHIN: Pahayag ni Vice President @lenirobredo sa pagratipika ng @COMELEC sa Bangsamoro Organic Law o BOL. @dzIQ990 pic.twitter.com/6EaHWEd8Pf
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) January 25, 2019