LOOK: Miss Universe 2018 Catriona Gray, nagsuot ng batik sa Indonesia

Nagsuot ng batik scarf si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagpunta nito sa Indonesia.

Ibinahagi ni Catriona ang mga larawan niya na nakasuot ng naturang tradisyunal na damit ng mga taga-Indonesia.

Ayon sa 25 anyos na Filipina beauty queen, ito ang unang pagkakataon na nagsuot siya ng batik.

Masaya umano ang dalaga na matutunan ang ginagamit na tela sa damit ng ibang bansa gaya ng pagmamalaki niya sa mga gawang Pilipino.

Ipinakita rin ni Catriona ang kanyang litrato habang nasa isang pamilihan sa Indonesia.

Nasa Indonesia si Catriona para sa shooting ng commercial para sa isa sa mga sponsors ng Miss Universe.

Ito ay kausunod ng kanyang media tour sa New York City kung saan siya mananatili sa kanyang reign bilang Miss Universe 2018.

Read more...