LOOK: Maja Salvador, may patikim sa pelikulang “I Love You, I Do”

May patikim ang Kapamilya actress na si Maja Salvador sa kanyang fans kaugnay sa muling pagtatambal nila ni Paolo Avelino.

Matatandaan na nagsama ang dalawa bilang Carson at Dio sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You” noong 2017.

Sa post sa Twitter ni Maja, kanyang ipinasilip ang isang bahagi ng script para sa sequel ng nabanggit na movie.

Ang titulo nito ay “I Love You, I Do.”

Kung sa unang pelikula nila ay sa La Union ang setting, ang bagong movie nina Maja at Paolo ay set sa taong 2022. Pero ang tanong ng fans, sa La Union pa rin kaya?

Nauna nang inanunsyo ng kanilang direktor na si JP Habac ang movie sequel.

 

Read more...