Personal na tinanggap nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy at Vice Governor Tonypet Albano ang pagkilala mula sa adjudicator ng Guiness.
Ito ay matapos saksihan ng mga kinatawan ng Guiness Book of World Records ang sabayang pagsasayaw ng mga taga Isabela na animo’y mga scarecrow.
Ayon sa adjudicator ng Guiness ang kailangan lamang lalawigan ay ma-break ang 250 person na record at limang minutong sabayang pagsasayaw.
Matapos anya ng kanilang ginawang beripikasyon kabuuang 2495 ang sabay-sabay na nagsayaw na nakasuot ng scarecrow.
Ang paggagawad ng parangal ay iginawad sa lalawigan ng Isabela kasabay ng Bambanti Festival kung saan nagpakita ng kanilang kagalingan sa pagsayaw at paggawa ng mga costumes ang mga taga Isabela.
Bilang tugon pinasalamatan naman ni Governor Dy ang mga taga Guiness gayundin ang kanilang mga kababayang Isabeleño dahil nasungit nila ang world record.
Nasa 25 bayan at lungsod mula sa lalawigan ang lumahok sa street dance parade competition na isinagawa sa Isabela Provincial Sports Complex.