Niratipikahan na ang Bangsamoro Organic Law o BOL.
Sa sesyon ng Commission on Elections o Comelec En Banc na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers o NPBOC, inanunsyo ang pag-ratipika sa BOL.
Ito ay matapos ang canvassing ng lahat ng certificates of canvass na mula sa mga lugar na kasali sa ginawang plebesito noong January 21, 2019.
Sa botong 1.5 million na botong YES, at hindi bababa sa 194,000 na botong NO, naiproklamang ratipikado na ang BOL.
Sa pag-ratipika naman sa BOL, nangangahulugang binubuwag na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ang Cotabato City ay kabilang na sa bagong Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao o BARMM, habang ang Isabela City ay hindi.
MOST READ
LATEST STORIES