Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, nasa 77 ang mga potensyal na kandidato sa pagka-senador habang nasa 134 naman ang party-list groups ang makakasabak sa halalan.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na maaaring mabawasan pa ang senatorial candidates na makakatakbo sa eleksyon sa May 13.
Ito ay dahil may nakabinbing kaso sa Comelec ang 14 na senatorial aspirants na nasa listahan.
Sa ngayon, ani Jimenez, ay hinihintay pa ang “certificate of finality” para sa14 na kandidato.
Kabilang sa mga kandidato sa pagka-Senador na may kinakaharap na kaso sa Comelec ay sina Senador Koko Pimentel at dating Senador Sergio Osmeña III.