54 na drug suspects nasawi sa mga drug operation noong Disyembre – PDEA

Kuha ni Jong Manlapaz

Umabot sa 54 na drug suspects ang nasawi sa mga anti-drug operations na isinagawa noon lamang December 2018.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula noong July 2016 o simula ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay umabot na sa 5,104 na drug suspects ang nasawi.

Sinabi ng PDEA na nakapaglunsad na ng 117,385 na anti-drug operations kung saan 167,135 na drug personalities ang naaresto.

Iniulat din ng PDEA na mayroong 621 na government workers na kabilang sa naaresto, at sa nasabing bilang, 282 ang government employees, 262 ang elected officials at 67 ang uniformed personnel.

Read more...