Day of National Remembrance para sa SAF 44, ginugunita ngayong araw

NCRPO Photo
Ginugunita ng buong pambansang pulisya ngayong araw (January 25) ang ika-apat na taong pagkasawi ng tinaguriang SAF 44.

Matatandaan na noong January 25, 2015, namatay ang apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force o SAF habang nasa “Oplan Exodus” sa Mamasapano, Maguindanao.

Magsisilbi ang tropa ng warrant of arrest laban sa mga terorista kabila na si Marwan, nang mamasaker ang mga SAF Trooper.

Sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, pinangunahan ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang “Day of National Remembrance” para sa SAF 44.

Mayroong wreath–laying ceremony, at dumating din ang ilang kaanak ng mga yumaong SAF member sa pagtitipon.

Bukod dito ay pinasinayaan ang bagong SAF 44 memorial, na magsisilbing permanenteng ala-ala sa kabayanihan ng mga commando.

Ayon kay Albayalde, huwag sanang makalimutan ng mga tao ang sakripisyo ng SAF 44 na nagbuwis ng buhay laban sa mga terorista.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng kanya-kanyang seremonya sa iba pang kampo sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa SAF 44.

Read more...