10YearChallenge ni Regine Velasquez-Alcasid kinaaliwan ng netizens

Nagulat ang marami sa nakaka-aliw na post ng tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Marami kasi ang naaliw sa pinost ni Regine sa nauuso ngayon na #10YearChallenge sa social media.

Sa kanyang Instagram – nag-post si Regine ng larawan ng isang ibon at isang kabayo at itinapat ito sa larawan naman niya kasama si Vice Ganda.

Nilagyan niya ito ng caption na “10 year challenge😂 Tama naman!!!!! #theSongbirdandTheSongHorse. Credit to the owner”

Simpleng promo na rin ito para sa concert nila ni Vice sa February 14, 15 at 16 sa Araneta Coliseum.

Inulan naman ng komento ang nasabing post partikular sa ibang mga celebrities na naaliw sa larawan.

Read more...