Quezon City napag-iiwanan ng mga kalapit na lungsod; budget sa health care services binawasan – Rep. Crisologo

Maraming naituro kay Quezon City First District Representative Vincent “Bingbong” Crisologo ang kaniyang pagkakabilanggo noon dahil sa isang political crime.

Sa programang “A New Life with Bingbong” sa Radyo inquirer, ibinahagi ni Crisologo ang kwento ng kaniyang pagbabagong-buhay.

Sinabi ni Crisologo na habang noong siya ay nasa kulungan, marami siyang bagay na natutunan, gaya ng pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, pagiging maunawain at pagiging pasensyoso.

Si Crisologo ay tumatakbong alkalde ng sa Quezon City para sa 2019 midterm elections.

Nakalulungkot ayon kay Crisologo na napag-iiwanan na ang Quezon City sa pag-usad ng mga kalapit nitong lungsod.

Sa larangan pa lamang ng kalusugan, sinabi ni Crisologo na binawasan ang budget para sa mga gamot na inilalaan para sa health care services.

Maging serbisyo para sa mga senior citizen sa lungsod ani Crisologo ay hindi rin sapat.

Katunayan ang P500 kada buwan para sa mga senior citizen sa lungsod ay hindi nagmumula sa pondo ng local government kundi sa national government.

Read more...