Ito ay bago pa man umabot sa 90-day post-qualification deadline bilang new major player (NMP) ng bansa.
Magugunitang may mga agam-agam si Sen. Grace Poe hinggil sa posibilidad ng cybersecurity risks ng Chinese state-owned na China Telecom Corp. Ltd. na kasama sa Mislatel consortium firms.
Sa pang naman ni Sen. Miguel Zubiri wala itong nakikitang banta sa national security lalo pa at ang Smart at Globe naman ay kapwa gumagamit din ng technology ng Huawei na isa ring Chinese multinational telco.
Sinabi rin ni Zubiri na nasa consumer pa rin naman ang desisyon kung kukunin nila ang serbisyo ng Mislatel o hindi.
Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Uy na walang nilalabag ang Mislatel ng mag-bid ito sa NMP selection process.
Dumaan aniya sa proseso ang kumpanya at naghanda para sa bid sa loob ng halos isang taon.
Ani Uy, mistula silang dumaan sa butas ng karayom bago sila napili ng National Telecommunications Commission (NTC).