Hindi benta sa Department of Health (DOH) na gawing alternatibo sa sigarilyo ang ‘vape’ o ang paggamit ng electronic cigarette.
Sinabi ni Health Usec. Eric Domingo may nicotine din ang vape kayat nakaka-adik din ito tulad ng sigarilyo.
Aniya ang kanilang ikinababahala ay ang mga nagbi-vape ay maaadik sa nicotine at lilipat din sila sa sigarilyo.
Pinapaburan ng DOH ang pagtaas ng excise tax sa mga produktong-tabako at alak.
Nais din ng kagawaran na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng e-cigarette.
Pagdidiin ni Domingo kailangan ay magkaroon ng pamantayan sa mga tinatawag na ‘juice’ maging sa mismong e-cigar para sa mga kaligtasan ng mga gumagamit.
Mahalaga aniya din ito ayon kay Domingo dahil ikinakatuwiran na ang ‘vape’ ay alternatibo para sa mga tumitigil na sa paninigarilyo.