Posibleng maging mitsa ng pagtaas muli ng presyo ng mga bilihin ang karagdagang buwis na ipinatong sa mga produktong-petrolyo.
Ito ang sinabi Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarket Association, kaugnay sa pakiusap ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang manufacturers na magbaba ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon kay Cua ang pagdidikta ng presyo ng mga bilihin ay desisyon ng mga manufacturers kaya’t kung nais nilang ipasa sa konsyumer ang mga buwis na kanilang binabayaran ay maari nila itong gawin.
Ang panibagong fuel excise tax ay magdagdag ng P2 sa bawat litro ng krudo at gasolina, samantalang P1 naman sa kerosene at LPG.
MOST READ
LATEST STORIES