Isinagawa ang operasyon, Biyernes (Jan. 25) ng madaling araw matapos na makabili ng isang kalibre 38 baril at shabu ang undercover police sa isa sa mga suspek na si alyas Ines.
Nang puntahan ang Apartelle doon nadatnan ang pitong katao na nagsasagawa ng pot session.
Ayon sa Makati City Police, ginagamit ng mga suspek ang Apartelle para doon mag-drug session sa pag-aakalang hindi sila mahuhuli doon.
Itinanggi naman ni Ines na sangkot siya sa gun running.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.
Habang si Ines ay kakasuhan din ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.