Embahada at konsulada ng U.S. sa Venezuela ipasasara ni Nicolas Maduro

AFP photo

Ipasasara ni Venezuela President Nicolas Maduro ang lahat ng embahada at konsulada ng Estados Unidos sa kanilang bansa.

Ito ay matapos na hindi kilalanin ng U.S. ang liderato ni Maduro bilang interim president ng Venezuela.

May mga pagbabanta din mula sa mga kaalyado ni Muduro na gigipitin ang mga konsulada at embahada ng Amerika.

Ayon kay Diosdado Cabello, pinuno ng Maduro-aligned Constituent Assembly, kung hindi kikilalanin ng U.S. si Maduro ay papatayan ng kuryente at hindi susuplayan ng krudo ang mga U.S embassy at consulate sa Venezuela.

Sa kaniyang pahayag, sinabi naman ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo na gagawin nila ang lahat para maproteksyunan ang kanilang mga mamamayan na nasa Venezuela.

Read more...