Estados Unidos pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan dahil sa nagpapatuloy na Mali attack

BAmakoBinalaan na ng Embahada ng Estados Unidos ang kanilang mga mamamayan sa Bamako, Mali dahil sa nagpapatuloy na pag-atake doon ng jihadist group.

Sa abiso ng US Embassy sa Mali, sinabihan nito ang kanilang staff na manatili lamang sa ligtas na lugar.

Maging ang mga US citizens na nasa Mali ay pinayuhang manatili sa kanilang mga tahanan o tinutuluyan.

“The U.S. Embassy staff has been asked to shelter in place. All U.S. citizens should shelter in place. Private U.S. citizens are encouraged to contact their families. Monitor local media for updates,” ayon sa abiso ng US Embassy sa Mali.

Inabisuhan din ng embahada ng Estados Unidos ang mga mamamayan nila sa Mali na imonitor ang kaganapan at sumunod sa instructions ng local authorities.

Read more...