Layon nitong mabawasan ang mabigat na trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay EDSA traffic Chief Bong Nebrija, sa ilalim ng naturang polisiya, ang mga city buses ay mananatili sa first at second lanes ng EDSA.
Ang provincial, point-to-point at tourist buses naman ay ililipat sa third lane o lanes para mga pribadong motorista.
Giit ni Nebrija, hindi naman kadalasang nagbababa at nagsasakay ang naturang mga bus kaya’t inilipat sila sa third lane.
Hindi naman sakop ng bus segregation policy ang EDSA-Santolan intersection dahil naghahanap pa ang MMDA ng solusyon sa matinding trapiko sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue.
Samantala, ayon kay Nebrija, sakaling epektibo ang bagong polisiya ay ipatutupad na rin ito sa EDSA Northbound.
Nagbabala ang opisyal sa mga drayber na seryosohin ang bus segregation dahil mahigpit umano silang babantayan ng traffic enforcers at ng surveillance cameras ng MMDA.
Ang mga lalabag anya ay magmumulta ng P150 dahil sa pagitsapwera sa traffic signs, P500 para sa change of lanes at P1,000 para sa paglabag sa yellow lane.