4 na tulak arestado sa buy bust sa Makati

Timbog ang apat na hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang operasyon ng Makati City Police sa Brgy. Valenzuela.

Nakilala ang mga suspek na sina Edgardo Tuazon, Paulo Porras, Romeo Austria at Jerick Cabrera na pawang mga residente ng Barangay.

Nakuha sa mga ito ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang P200 na buy bust money.

Mahaharap ang apat sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...