Ice Seguerra, Liza Diño sinimulan na ang proseso ng pagkakaroon ng baby

Sinimulan na ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang kanilang journey para magkaroon ng baby.

Ito ay sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Matatandaang nauna nang inihayag ng dalawa ang planong pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF kung saan ang egg cells ay manggagaling kay Seguerra, magkakaroon ng sperm donor at dadalhin naman ni Diño ang mabubuo.

Ibinahagi ni Diño sa Instagram araw ng Huwebes ang isang video na kinunan ilang minuto bago sumalang si Seguerra sa proseso ng pagharvest ng kanyang egg cells.

Giit ni Diño, Oktubre pa nang maghanda ang kanyang asawa para sa proseso kabilang ang pag-inom ng Estrogen pills.

Determinado anya silang dalawa na matupad ang pangarap na magkaroon ng anak.

Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Diño na matagumpay na nakakuha ang mga doctor ng tatlong malusog na eggs mula kay Seguerra.

Ikinasal ang dalawa sa California noong December 8, 2014 kung saan legal ang same-sex marriage noon pang 2008.

Read more...