Higit 90 wild horses patay sa heatwave sa Australia

Ralph Turner | Facebook

Patay ang higit 90 wild horses dahil sa nararanasang heatwave sa Australia.

Pumalo ang init sa Adelaide kahapon (Jan 24) sa 46.6 degrees Celsius na mas mataas sa naitala noong January 12, 1939 na 46.1 degrees Celsius.

Ang temperatura sa Port Augusta, o may layong 300 kilometro sa Hilaga ng Adelaide ay pumalo sa 49.1 degrees Celsius na halos kalahati na ng boiling temperature.

Ito ang dahilan kung bakit namamatay ang mga hayop dahil sa dehydration.

Bukod sa higit 90 kabayo na namatay na, plano pa ng Central Land Council (CLC) na pugutan na lamang ng ulo ang nasa 120 feral houses, donkey at camels na naghihingalo na rin dahil sa dehydration.

Nakaalerto na ang emergency services sa higit 13 distrito para sa pangambang bushfires.

Ayon sa local forecasters, mananatiling mataas ang temperature sa Adelaide ngayong araw at sa weekend.

Read more...