Ito ay matapos tumaas ng P0.65 ang presyo ng imported diesel at P0.40 sa gasolina sa unang 3 araw ng kalakalan sa linggong ito.
Kapag natuloy, ito na ang ika-apat na sunod na linggo ng oil price increase ngayong Enero.
Dahil sa serye ng taas presyo, nadagdagan pa ang mga gasolinahan na nagpataw ng mas mataas na excise tax sa petrolyo.
Samantala, nakaamba rin ang dagdag presyo sa LPG sa susunod na weekend.
Nasa pagitan ng P0.60 at P1.50 ang posibleng dagdag presyo sa LPG.
Una nang sinabi ni LPG Marketers’ Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty na ang taas presyo sa LPG ay dahil sa paggalaw ng presyo sa world market.
Ngayong buwan ay ilang brand na ng LPG ang nagdagdag ng mahigit P12 sa kada regular na tangke dahil pa rin sa mas mataas na buwis sa langis.