Ito ay sa kabila ng pansamantalang pagsasara para sa rehabilitasyon ng sikat na tourist destination na Boracay island.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), tumaas ng halos 8 percent ang tourist arrival noong nakaraang taon kumpara noong 2017.
Sa datos ng ahensya, ang mga South Koreans ang nangungunang mga turista sa bansa sa nakalipas na taon.
Sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na naging “blessing in disguise” pa ang pagsasara ng Boracay dahil ang ibang lugar sa bansa gaya ng Palawan at Siargao Island ang dinayo ng mga turista.
Nasa 1.6 milyon ang South Koreans na bumisita sa bansa habang ang pagdating ng mga Chinese nationals ay tumaas ng halos 30 percent sa 1.3 milyon kumpara noong 2017 samantalang ang mga American tourists ay nasa 1 milyon.