Ex-Pnoy binuweltahan ng Malacañang sa patutsada sa administrasyon

Inquirer file photo

Tinawanan lamang ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagkabahala ni dating Pangulong Benigno Aquino III na dumarami na ang mga Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Panelo, kung nababahala si Aquino, mas lalong nababahala ang palasyo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na wala namang nakikitang problema ang palasyo kung legal naman ang pagpasok ng mga Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Panelo, maaring totoo na nagkukulang na ng construction worker sa Pilipinas dahil sa karamihan sa mga trabahador ay nagtatrabaho sa abroad.

Giit ni Panelo na siya mismo ay nahirapan na makahanap ng construction worker at inabot ng anim na buwan bago nakahanap ng trabahador para sa kanyang bahay.

Inatasan na aniya ng pangulo si Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chief Isidro Lapeña na dagdagan pa ang pagbibigay ng training sa mga skilled workers at dagdagan pa ang pagtatayo ng mga eskwelahan.

Dagdag pa ng kalihim, “If he is concerned, we will also be concerned, if his basis is correct. What was his basis? Was it a statistics made by him or by his group? Where did he get that information”.

Read more...