Malacañang: CCTV project ng DILG na popondohan ng China walang problema

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang  na hindi magkakaroon ng security leak sa isinusulong na P20 Billion na CCTV surveillance project ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pinopondohan ng China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na makompromiso ang seguridad sa mga lugar na lalagyan ng surveillance project.

Sa ilalim ng panukala, lalagyan ng surveiilance camera ang mga pampublikong lugar sa Metro Manila at Davao City.

Naiintindihan din aniya ng palasyo ang pagdududa ng ilang senador gaya ni Senador Ralph Recto na maaring malagay sa peligro ang Pilipinas dahil sa “Safe Philippines Project” ng DILG.

Ayon kay Panelo, may kapangyarihan naman ang pangulo na i-veto o kontrahin ang proyekto kapag nakitang alanganin ito.

Bukod sa usaping panseguridad, iginigiit din ni Recto na ang proyekto ay kulang sa pag-aaral at konsultasyon bukod pa sa minadali din umano ang surveillance deal.

“Well, siguro we understand the apprehensions of some senators but necessarily this govt will not allow any security leaks”, paniniyak pang kalihim.

Read more...