Ipinatupad na no sail, no fly zone policy, lifted na


 

Binawi na ang umiiral na no sail at no fly zone na ipinatupad bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AF) Spokesperson Col. Restituto Padilla Jr., Malaya na muling makapaglayag sa Manila Bay.

Sinabi ni Padilla na lifted na rin ang pagpapairal ng ni fly zone.

Gayunman umiiral pa rin ang notice sa mga airline companies na bawal pumasok sa 40 nautical mile radius hanggang sa alas siyete ngayong gabi.

Una nang nagpatupad ng no sail zone sa bahagi ng Manila Bay, bilang bahagi pa rin ng seguridad sa APEC.

Maliban sa mga pulis na nakadeploy sa Roxas Boulevard may mga itinalaga din na magpatrulya sa karagatan.

Read more...