Mga isinarang kalsada, bukas na sa mga motorista

11219046_993077467405988_437061470225907249_n
FB Photo Carlo de Castro

Binuksan na sa mga motorista ang lahat ng isinarang kalsada bilang bahagi ng ipinatupad na traffic scheme para sa APEC summit.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago mag alas 3:00 ng hapon ay nabuksan na ang lahat ng mga apektadong lansangan. “As of 2:45 p.m., all roads locked down for Apec Summit now open and accessible to all vehicles,” ayon sa tweet ng MMDA.

Mula Lunes, maraming kalsada ang isinara para bigyang daan ang pagbiyahe ng mga delegado na dumating sa bansa para sa APEC summit.

Kabilang sa mga naisarang lansangan ang magkabilang panig ng Roxas Boulevard, ang bahagi ng Edsa-Ayala sa Makati hanggang sa Edsa Extension sa Pasay, Macapagal Avenue mula Aseana hanggang Buendia Extension, Edsa-Magallanes Interchange, at ang Metro Manila Skyway.

Paulit-ulit ring humingi ng paumanhin ang PNP at MMDA sa mga taong naapektuhan ng pagsasara ng mga lansangan.

Read more...