Nagre-convene na ang Commission on Elections o Comelec En Banc ngayong Huwebes, para sa canvassing ng mga boto sa unang bugso ng plebisito kaugnay sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Dakong alas-dos ng hapon nang simulan ng National Plebiscite Board of Canvassers o NPBOC ang canvassing.
Unang dumating sa tanggapan ng Comelec sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila ang mga ballot box mula sa Cotabato City.
Nauna ang sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang Cotabato City ay mayroong 54.22% na voter’s turnout o katumbas ng 61,676 na botante.
Sa canvassing, present ang “proponents at oppositors” para inspeksyunin ang mga dokumento. Mayroon ding local at foreign obeservers na dumalo.
Hindi naman nagtagal ang canvassing dahil bago mag-alas tres ng hapon ay nag-adjourn ang sesyon ng NPBOC at magbabalik na lamang bukas, January 25, 2019.
Wala pa kasi ang iba pang mga balota mula sa mga lugar na nagdaos din ng plebesito noong January 21, 2019.