May-ari ng Mislatel ginisa sa Senado sa pagiging malapit niya sa pangulo

Inquirer photo

Ibinunyag ni Senator Antonio Trillanes IV na sa kasagsagan ng mga bidding para sa 3rd Telco isinakay ng negosyanteng si Dennis Uy sa kanyang private plane sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Executive Secretary Salvador Medialdea at National Security Adviser Hermogenes Esperon patungong Davao City.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Trillanes na ang tatlong opisyal ay mga miyembro ng oversight committee para sa kukuhaning 3rd Telco project.

Hindi naman itinanggi ni Esperon ang alegasyon ni Trillanes ngunit aniya hindi dapat ito intrigahin lalo na sa pagpapabor sa Mislatel na pag aari ni Uy.

Bukod dito ibinuking din ni Trillanes na ang kapatid ni Sec. Dominguez na si Pol Dominguez ay opisyal sa Phoenix Petroleum na pag-aari din ni Uy.

Inamin na rin ni Uy sa pagtatanong ni Trillanes na nagbigay ito ng P30 Million para sa kampaniya noon ni Pangulong Duterte at ito ay kanya naman umanong naideklara noon pa man.

Hindi rin itinanggi ni Uy na malapit siyang kaibigan ni Pangulong Duterte maging ni dating Special Assistant to the President Bong Go.

Lumabas din na may campaign contribution din ang misis ni Uy na si Cherlyn Uy sa halagang P1 Million.

Gayundin ang iba pang opisyal ng kanyang kompaniya, board member Efren Uy P3.5 Million, OIC ng Udenna Cheres Damuy na nag-contribute ng P500,000 , Corporate Secretary Maria Henedina San Juan nagbigay ng P400,000 at VP Ignacia Braga na naglabas naman ng P150,000.

Hindi pa dito nagtapos ang pagbubunyag ni Trillanes dahil aniya simula nang maupo si Pangulong Duterte ay sinuwerte na ito…naging board member ng Alphaland ni Bobby Ongpin gayundin sa isang mining company.

May casino franchise din ito at may interes sa natural gas project ng gobyerno.

Read more...