Nakaalis sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sinakyan ni Siew bago mag alas 11:00 ng umaga.
Si Siew, na naging Vice President ng Taiwan mula 2008 hanggang 2012, ang kumatawan kay President Ma Ying-Jeou sa APEC summit.
Sa kabuuan ay anim na APEC meetings na ang nadaluhan ni Siew bilang minister ng economic affairs at representative ng gobyerno ng Chinese Taipei.
Batay sa alituntunin ng China “one chine policy,” kinatawan lang ng Chinese Taipei government, at hindi ang Presidente, ang dadalo sa APEC meeting.
Sa pahayag naman mula sa tanggapan ni President Ma, napili si Siew na irepresent ang Chinese Taipei dahil “well-versed” ito sa economic at trade diplomacy pati sa multilateral trade negotiations.
Kamakailan lang ay pinirmahan ng Pilipinas at Taiwan ng fisheries pact na layong bawasan ang iringan dahil sa overlapping territorial waters.