OSG pinagsusumite ng Korte Suprema ng 2018 reports sa martial law sa Mindanao

Pinagsusumite na ng Supreme Court en banc ang Office of the Solicitor General ng 2018 report nito ukol sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Sa 4 na pahinang resolusyon na pirmado ni Clerk of Court ni Edgar Aricheta, nakasaad na binibigyan ng SC ng hanggang alas dose 12:00 ng tanghali sa January 25 ang OSG para ipasa ang kopya ng periodic report ng Defense Department (DND) na naka-address sa Kongreso.

15 selyadong kopya ang hinihingi ng SC en banc na syang gagamitin naman ng mga mahistrado para mapag aralan at talakayin sa kanilang executive session.

Samantala, sinabi rin ng SC en banc na adopted na ng Kongreso ang komento na unang inihain ng OSG at sinabing si Cong. Edcel Lagman ay sasalang sa oral argument na kumukwestyon sa ikatlong pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Read more...