Lumago sa 6.1 percent ang ekonomiya ng bansa para sa ikaapat na quarter ng taong 2018.
Dahil dito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 6.2 percent ang naitalang paglago sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa para sa nagdaang taon.
Mas mababa naman ito kumpara sa 6.7 percent noong 2017.
Nakapag-ambag ng malaki sa GDP ng bansa noong 4th quarter ng 2018 ang Industry sector na nakapagtala ng 6.9 percent, na sinundan ng Services sector na 6.3 percent.
Habang 1.7 percent lamang ang Agriculture sector.
MOST READ
LATEST STORIES