Patay ang apat na katao sa madugong protesta na naganap sa Venezuela.
Sangkot sa protesta ang mga tagasuporta at mga tutol kay President Nicolas Maduro.
Isang 16-anyos na babae ang kabilang sa nasawi matapos magtamo ng tama ng bala ng baril Caracas ayon sa Social Conflict Observatory.
Ang dalawa pang nasawi ay sa kasagsagan ng looting na nangyari sa Bolivar City.
Sinunog din ng mga nagpoprotesta ang estatwa ng iconic socialist revolutionary leader na si Hugo Chavez.
Nagsimulang sumiklab ang kaguluhan matapos manumpa sa kaniyang tungkulin si Maduro dalawang linggo na ang nakararaan.
Nanalo siya sa eleksyon pero tinututulan ito ng oposisyon.
MOST READ
LATEST STORIES